Tuesday, January 1, 2013

HIGIT KANINUMAN

I made this on the way, in a hired jeepney, from a Youth Camp. It's an expression of my love for my Lord and Savior Jesus. It's one of the most sung worship song in our church, but I guess only a few know that I wrote it hehe. I originally arranged in the key of D and transposing to the key of E for extra emotions I felt while singing it haha. Hope you like this one.




Diyos ang aking buhay may lungkot at saya
May mga araw na tila wala nang pag-asa
Ngunit ang pag-ibig mo'y
Aking nasumpungan
At ang katapatan Mo'y aking naranasan

O Panginoon, minamahal kita
Nang higit kaninuman
Ikaw lamang walang iba
Dinggin ang awit ng aking pagsamba
Itataas aking kamay, maging buhay na Iyong bigay.

Di mo nais pa ang mga paghahandog
Sa haing sinunog di ka na nalulugod
Kaya ang aking alay sa pag-ibig Mong wagas
Ay pagpapakumbaba't pusong mapagtapat.

O Panginoon, minamahal kita
Nang higit kaninuman
Ikaw lamang walang iba
Dinggin ang awit ng aking pagsamba
Itataas aking kamay, maging buhay na Iyong bigay.

No comments:

Post a Comment